Killer ng biyenan nadakma

OLONGAPO CITY, Philippines – Nagwakas ang dalawang taong pagtatago sa batas ng isang 41-anyos na mister na isinangkot sa pagpatay sa kanyang biyenan makaraang madakma ng mga operatiba ng pulisya sa Barangay Nanga sa bayan ng Pototan, Iloilo, ayon sa ulat kahapon. Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Richard Paradeza ng Olongapo City Regional Trial Court Branch 72, naaresto ang suspek na si Larni Pelobello. Base sa record ng pulisya, ang suspek ay sinasabing sangkot sa pamamaslang sa kanyang biyenan na si JC Sombilon, 60, matapos saksakin habang natutulog sa kanilang bahay sa Barangay Sta. Rita, Olongapo City noong Agosto 28, 2008. Ayon kay SPO2 Norberto Ventura, nasugatan sa pananaksak ng suspek ang kanyang bayaw na si Jeffrey Sombilon.

Show comments