3 katao dedo sa trailer truck

MANILA, Philippines - Tatlo-katao ang kumpirmadong nasawi makaraang salpukin ng tractor truck ang poste ng kuryente saka inararo ang gilingan ng kape sa bayan ng Silang, Cavite noong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ni PNP-Highway Patrol Group Director P/Chief Supt. Leonardo Espina ang mga nasawi na sina Jose Felix, 41, driver ng trailer truck; Zaldy Santonia, 26, truck helper; at ang caretaker ng coffee mill na tinukoy lamang sa pangalang Franklin.

Base sa police report, naganap ang insidente dakong alas-11:30 ng gabi sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Barangay Biga.

Lumilitaw na bumabagtas sa highway ang tractor truck (RGS-174) na nakarehistro sa Hilcon Marketing and GE Construction na may nakakabit na trailer truck (CUK -874) na nakarehistro naman kay Mario De Leon Alberto  ng Bustos, Bulacan nang maganap ang trahedya.

Nabatid na nawalan ng kontrol sa manibela ang driver ng trailer truck kaya sinalpok ang poste ng kur­yente  at inararo ang DVP Enterprises Coffee Mill na pag-aari ni Erickson Videna.

Nawasak din ang bakod ng cottage ng Villa Luz Beach Resort kung saan nahulog sa malalim na sapa ang trailer truck.

Show comments