Mangingisda kinarne ng kapitbahay

QUEZON — Pinagtataga hanggang sa mamatay ang isang 41-anyos na mangingisda ng kanyang kapitbahay matapos na masamain ang pagtitig nito habang sila ay nag-iinuman, kamakalawa ng hapon sa Sitio Guinay­gayan, Barangay Poblacion sabayan ng Patnanungan, Quezon. Nagmistulang karne ang katawan ni Arturo Aringo, habang tugis na ng pulisya ang tumakas na suspek na si Herman de los Santos. Ayon kay PO2  Richard Pilarta, lumilitaw na nag-iinuman ang suspek at biktima kasama ang iba pa nilang kapitbahay nang masamain ng una ang titig ng huli. Umuwi ang suspek matapos na kumprontahin ang biktima at pagbalik ay may bitbit na gulok saka isinagawa ang krimen. Tony Sandoval

Show comments