^

Probinsiya

3 utas, 7 sugatan sa military truck

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Tatlo-katao ang iniulat na nasawi habang pitong iba pa ang nasugatan makaraang araruhin ng military truck ang limang bahay sa Barangay Bacolod sa bayan ng Parang, Maguindanao kamakalawa ng gabi.

Kabilang sa mga nama­tay ay miyembro ng pamilya Ito na sina Idang, 45; Harija, 18; at si Amad Ito; 16, ha­bang sugatan naman sina Bailyn Mamander, Adrian Ma­mander, Johair Maman­der, Nody Mamander, Sukamo Makabago at dalawang iba pa na isinugod sa Cotabato Regional Hospital.

Ayon kay Lt. Col. Noel de la Cruz, hepe ng Civil Military Operations ng Army’s 6th Infantry Division, patungong Sultan Kudarat mula sa Marawi City ang M35 truck ng Army’s 65th Infantry Battalion para magdala ng relief goods sa naapektuhan ng tubig-baha nang mawalan ng preno.

Nawalan ng control sa manibela si Sgt. Revelino Torres kaya nag tuluy-tuloy na inararo ang mga kabahayan sa gilid ng highway kung saan nadamay din ang sasakyang nakaparada.

ADRIAN MA

AMAD ITO

BAILYN MAMANDER

BARANGAY BACOLOD

CIVIL MILITARY OPERATIONS

COTABATO REGIONAL HOSPITAL

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

JOHAIR MAMAN

MARAWI CITY

NODY MAMANDER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with