^

Probinsiya

4 holdaper patay sa shootout

- Joy Cantos -

Manila, Philippines - Apat na pinaghihinalaang miyembro ng notor­yus na robbery/holdup gang ang napaslang ng mga nagrespondeng elemento ng pulisya matapos ang panghoholdap sa terminal ng Jac Liner Bus sa naganap na shootout sa Brgy. Turbina, Calamba City, Laguna nitong Biyernes ng madaling-araw.

Ayon kay Senior Supt. Gilbert Cruz, Laguna Police Provincial Director,  dakong alas-2:24  ng madaling araw nang sumulpot sa terminal ang mga armadong suspek na agad dinisarmahan ang security guard na si Emmanuel de la Cruz, 33-anyos.

Nagdeklara rin ng holdap ang mga suspek sa ilang pasahero ng bus kabilang si Jessa Belle Salibio na nakunan ng isang cellphone.

Tumagal lamang ng ilang minuto ang panghoholdap ng mga suspek  na tinangay ang cal. 38 pistol ng guwardiya, ilang mga cellphone at mga kagamitan ng mga biktima.

Ang mga suspek ay mabilis na tumakas sakay ng dalawang motorsiklo patungo sana sa direksyon ng highway ng Brgy. Maunong ng makorner ng nagres­pondeng mga awtoridad.

Nabatid na isang concerned citizen ang tumawag sa himpilan ng pulisya at inireport ang holdapan gayundin ang deskripsyon ng motorsiklong ginamit ng mga suspek kaya na­ging mabilis ang aksyon ng pulisya.

Gayunman sa halip na sumuko ay agad nagpaputok ang mga suspek na nauwi sa shootout sa pagitan ng magkabilang panig hanggang sa tumimbuwang ang apat na holdaper. Narekober  ng mga awtoridad sa lugar ang limang mga baril at ilang mga kagamitan ng mga biktima.

APAT

AYON

BRGY

CALAMBA CITY

GILBERT CRUZ

JAC LINER BUS

JESSA BELLE SALIBIO

LAGUNA POLICE PROVINCIAL DIRECTOR

SENIOR SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with