Batangueño bagong multi-milyonaryo sa Lotto - PCSO

MANILA, Philippines - Isang Batangueño ang bagong naging milyonaryo makaraang mapanalunan nito ang P65 milyong jackpot prize sa Lotto noong Miyerkules.

Ayon kay PCSO general manager Jose Ferdinand Rojas II, ang bagong mil­yonaryo at lone winner ay mula sa Lipa, Batangas makaraang mapanalunan nito ang P65-M na jackpot prize noong Miyerkules sa Grand Lotto 6/55. Ang kabu­uang panalo ng Batangueño ay P65,188,047.60.

Ang kumbinasyong napanalunan ng bagong millionaire ay 03-18-30-40-06-29 sa nakaraang 6/55 Grand Lotto noong Miyerkules.

“We in the PCSO are glad that there is a new lotto millionaire after winning the over P65 million prize,” wika pa ni Rojas.

Show comments