Engkuwentro: Kidnaper bulagta

MANILA, Philippines - Napaslang ang isa sa notoryus na miyembro ng grupong Abu Sayyaf matapos makasagupa ang tropa ng militar sa liblib na bahagi ng Barangay Bulan-Bulan sa bayan ng Lantawan, Basilan noong Martes ng umaga.

Kinilala ni Col. Alexander Macario, commander ng Special Operations Task Force Basilan ang napatay na si Otoy Dambung na may nakabimbing warrant of arrest na inisyu ni Judge Danilo Bucoy ng Basilan Regional Trial Court.

Bandang alas-5:30 ng  umaga nang makasagupa ng pangkat ni Major Roberto Morales ang grupo ng Abu Sayyaf habang nagsasagawa ng rescue operations para mabawi ang mga nalalabi pang bihag ni Abu Sayyaf Commander Furuji Indama.

Kabilang sa hostage ng Abu ay ang panciteria owner na si Larry de los Santos na dinukot sa Isabela City, Basilan noong Disyembre 16, 2010 at dalawang iba pa.

Patuloy ang hot pursuit operations ng militar laban sa grupo ng mga bandido.

Show comments