2 nalunod sa beach resort

BATAAN ,Philippines  – Trahedya ang sumalubong sa masa­yang picnic ng pamilya matapos malunod ang magkaibigan sa Aplaya Beach Resort sa Sitio Minanga, Barangay Mabayo sa ba­yan ng Morong, Bataan kamakalawa ng hapon. Kinilala ni P/Senior Supt. Arnold Gunnacao, Bulacan PNP director, ang mga nasawi na sina Michael Espino, 35, oveseas Filipino worker at nakatira sa Barangay Payumo, Dinalupihan at Russel Siaguido, 59, ng Barangay Mabayo.  

Lumilitaw na nagya­yang mag-outing si Espino sa nasabing beach resort kasama ang kanyang pamil­ya ilang kaibigan. Dahil sa balikbayan mula sa ibang bansa ay nasa­bik si Espino at nagmamada­ling lumangoy sa beach subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakasalubong si kamatayan.

Napag-alamang tinangkang sagipin ni Siaguido ang kaibigan subalit maging ito ay hinatak ni kamatayan.   

Show comments