2 katao inutas sa SLEX

MANILA, Philippines - Dalawa-katao kabilang ang traffic enforcer ang iniulat na nasawi habang isa pa ang nasugatan makaraang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa kahabaan ng South Luzon Expressway sa Barangay Batino, Calamba City, Laguna kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mga napaslang na sina Reynaldo Cabalsa at Lorenzo Amoncio, traffic enforcer ng Highway Patrol Group habang sugatan ang kasamahan nitong si Dennis Boy Tala. Lumilitaw na iniisyuhan ng citation ticket nina Amoncio at Tala si Cabalsa, driver ng KIA L300 na sinita ng mga ito sanhi ng paglabag sa batas trapiko sa kahabaan ng SLEX. Gayon pa man, biglang niratrat ng mga armadong kalalakihan na lulan ng hatchback car kung saan iniwan ang mga duguang biktima.

Show comments