2 kawatan dedo sa shootout

MANILA, Philippines - Dalawang kalalakihan na sinasasabing notoryus na miyembro ng robbery gang ang iniulat na napaslang matapos na makipagbarilan sa mga pulis sa bisinidad ng Barangay Remedios sa bayan ng Danao, Bohol kamakalawa ng hapon.

Gayon pa man, kasalu­kuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan ng mga napatay na miyembro ng gang. Bago naganap ang shootout, ay nilooban ng da­lawa na magkaangkas sa motorsiklo ang tindahan ni Allan Badilla sa Barangay Poblacion. Matapos makarating ang impormasyon sa pulisya ay kaagad namang rumesponde pero sa halip na sumuko ay nakipagbarilan sa mga pulis na nauwi sa shootout.

Tumagal ng ilang minuto ang palitan ng putok hanggang sa bumulagta ang dalawa.

Show comments