^

Probinsiya

5 suspek sa holdapan arestado

- Ni Tony Sandoval -

LUCENA CITY, Quezon, Philippines —Nabuwag ng pulisya ang kilabot na  grupo ng kalalakihan na sinasa­bing sangkot sa serye ng holdapan sa mga bayan ng Tiaong, Candelaria, Sariaya, Tayabas at Lucena City makaraang madakip ang limang miyembro nito sa magkahiwalay na ope­rasyon kamakalawa ng umaga sa Barangay Sampaloc 1.

Kinilala ni P/Supt. Atty. Erickson Velasquez, Quezon PNP director ang mga suspek na sina Arturo Trinidad, 40; Hill Dacebrand Villareal, 28, kapwa nakatira sa bayan ng Tanza, Cavite; Jeremy Carabuena, 28, ng San Francisco, Quezon; Robert Manalo, 21, ng Mulanay, Quezon at si Enrico Lata Jr., 18, ng Lucena City, Quezon.

Sa ulat nina PO2 Andro Radones at PO1 Daniel Hernandez, dakong alas-11:14 ng umaga ay nagbigay ng impormasyon sa pulisya si barangay Kagawad Cezar Magadia kaugnay sa 7 armadong kalalakihan na namataan sa Himlayan Cemetery.

 Sa pangunguna nina P/Supt. Francisco Ebreo, P/Supt. Laudemer Llaneta at P/Senior Insp. Fernando Reyes III ay inilatag ang ope­rasyon kaya nasakote sina Trinidad, Villareal at Latag Jr. na nakumpiskahan ng isang baril at dalawang patalim.

Kasunod nito, naaresto naman sina Carabuena at Manalo sa Barangay Isabang sa bayan ang Tayabas City kung saan nakumpiskahan ng dalawang baril habang nakatakas naman sina Enrico Latag Sr. at Jeffrey Valderey.  

ANDRO RADONES

ARTURO TRINIDAD

BARANGAY ISABANG

BARANGAY SAMPALOC

DANIEL HERNANDEZ

ENRICO LATA JR.

ENRICO LATAG SR.

ERICKSON VELASQUEZ

FERNANDO REYES

LUCENA CITY

QUEZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with