Pulis pinabulagta

MANILA, Philippines - Napaslang ang isang alagad ng batas matapos pagbabarilin ng tatlong hindi pa nakilalang kalalakihan habang isinisilbi ang subpoena na inisyu ng korte sa panibagong karahasang naganap sa Sitio Anilao, Brgy. Sampaguita sa bayan ng Veruela, Agusan del Sur noong Huwebes ng hapon. Kinilala ni P/Supt. Martin Gamba ang napatay na si SPO1 Benjamin Sequina na nakatalaga sa himpilan ngpulisya sa Veruela.

Nabatid na isisilbi sana ni SPO1 Sequina ang subpoena laban sa tatlong kalalakihan na hindi nabatid ang pagkakakilanlan nang pagbabarilin.

Narekober sa crime scene ang anim na basyo ng cal. 45 pistola at ang service firearm ng biktima.

Show comments