MANILA, Philippines - Pangungunahan ni Puerto Princesa City Mayor Edward Hagedorn ang Pista ng Kagubatan sa Sabado sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga puno.
Ayon kay Mayor Hagedorn, ang Pista Y Kagueban (Pista ng Kagubatan) ay taunang idinadaos sa Puerto Princesa City kung saan ay nilalahukan ito ng iba’t ibang sector sa pamamagitan ng pagtatanim ng puno sa kagubatan.
Wika pa ng alkalde, ito ang paraan ng lungsod upang tumulong sa pagprotekta sa kalikasan.
Aniya, sa pagtatanim ng mga puno ay nakakatulong ang taumbayan na maibsan ang global warming.
Bukod dito, wika pa ni Mayor Hagedorn, magkakaroon din ng songs at dances na lalahukan ng iba’t ibang environmental artists mula sa Puerto Princesa City.
Sa Linggo ay ipagdiriwang naman ng lalawigan ng Palawan ang Kapistahan ng Kalikasan.