3 drayber dinukot, nilikida

CAVITE , Philippines – Pinaniniwalaang may kaugnayan sa bawal na droga ang pagdukot at brutal na pagpatay sa tatlong kalalakihan na natagpuan sa bakanteng lote sa bahagi ng Daanghari Road sa Barangay Molino 4 sa bayan ng Bacoor, Cavite kamakalawa ng gabi. Pawang nakagapos at may mga tama ng bala ng baril sa ulo nang madiskubre bandang alas-9 ng umaga kahapon ang mga bangkay ng mag-utol Francisco Degino, 32; Oscar Degino, 34; at si Jonathan Mislang na sinasabing mga traysikel drayber.   Sa police report, lumilitaw na nauna ng naiulat na dinukot si Oscar sa kanilang bahay ng mga armadong kalalakihan dakong alas-6 ng gabi noong Martes kung saan isinunod ang dalawa.

 

Show comments