^

Probinsiya

Brodkaster hinampas ng mikropono

- Ni Victor Martin -

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines – Nalalagay sa balag ng alanganing masibak sa tungkulin at makasuhan ang gobernador ng Kalinga makaraang lusubin ang isang radio station at hampasin ng mikropono ang isang brodkaster sa Tabuk City, Kalinga kamakalawa.

Nakilala ang hinaras na mamamahayag na si Jerome Tabanganay, anchorman ng dwRK-Radyo ng Bayan sa nasabing bayan.

Ayon sa ulat, kasalukuyan nasa radio program si Tabanganay nang sugurin at pa­sukin siya ng grupo ni Kalinga Governor Jocel Baac kasama ang mga armadong alalay kung saan hinatak ang mikropono at inihampas sa mukha ng broadcaster.

Pinagbantaan pa ng gobernador ang brodkaster kapag hindi itinigil ang pang-aatake sa kanya kung ayaw niyang mapatay.

Agad namang kinondena ng mga mamamahayag ng Cagayan Valley ang ginawa ni Gov. Baac.

Kinondena rin ni dating Justice Secretary Silvestre Bello III ang pangyayari bilang suporta sa mamamahayag.

 “Kung ganyan ang gagawin sa mga mamamahayag, nasaan na ang ating karapatan tungo sa malayang pamamahayag? Paano natin isisiwalat ang mga katiwalian sa ating bayan?” Pahayag ni Neil Galapon, batikang radio Commentator sa Bombo Radyo.

Matatandaan na si Tabanganay na kilala sa pagbabatikos laban sa iligal na sugal sa Kalinga ay unang nakaligtas sa pamamaril noong 2010.

Kaugnay nito, inihahanda na ni Tabanganay ang ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa gobernador.

Itinanggi naman ni Baac ang naganap na insidente.

BAAC

BOMBO RADYO

CAGAYAN VALLEY

JEROME TABANGANAY

KALINGA

KALINGA GOVERNOR JOCEL BAAC

NEIL GALAPON

TABANGANAY

TABUK CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with