2 todas sa butete

Manila, Philippines - Dalawa-katao ang iniulat na nasawi habang sampu naman ang na-ospital makaraang malason sa iniulam na butete sa Escalante City, Negros Occidental kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang dalawang namatay na sina Nixon Legaspi at Jose Artajo na kapwa nakatira sa Brgy. Old Escalante. Naisugod naman ang sampu sa Provincial Hospital ng Silay City. Batay sa ulat na nakarating sa Camp Crame, magkakasabay na na­nanghalian ang mga bikitma kung saan ilang oras ang nakalipas ay na­karanas ng matinding pananakit ng ulo at tiyan, pagsusuka at matinding pagkahilo kaya isinugod sa ospital subalit ang dalawa ay namatay.

Show comments