LINGAYEN, Pangasinan, Philippines — Umabot na sa P44.7-M ang halaga ng dead fish na naitala dito at pinangangambahang lumaki pa ang halaga ng pagkalugi.
Ayon kay Dalisay Moya, provincial agriculturist, umabot na sa 496 metric tons ang namamatay na bangus at tilapia sa bayan ng Anda at Bolinao ngunit sinabi niya na gumagawa na sila ng hakbang upang maibsan ang matinding fish kill dito.
Sinabi ni Sr. Supt. Rosueto “Boyet” Ricaforte, Pangasinan police director, na nagbigay na siya ng direktiba sa kanyang mga police chiefs na palawakin ang checkpoint operations at i-check ang lahat ng mga sasakyan na nagkakarga ng mga dead fish at sinabing “delikado talaga na maibenta tong mga patay nang bangus dahil nakakalason ito kapag nakain; kaya nag utos ako na walang palulusutin na dead fish para sa kapakanan ng publiko.”
Idinagdag pa nito na lumalaki na ang volume ng dead fish ang nasasamsam matapos magtangkang ipuslit ito ng mga may ari.
Matinding naapektuhan ng fish kills ang coastal towns ng Anda at Bolinao na nasa bahagi ng Western parts ng Pangasinan.
Ang mga botchang isda ay naaagnas at nangangamoy nang masabat ng mga awtoridad, ani Ricaforte.