3-anyos lunod sa poso-negro

LEGAZPI CITY, Philippines  – Napaaga ang salubong ni ka­matayan sa isang 3-anyos na nene makaraang mahulog sa poso-negro na walang takip habang naglalaro sa bisinidad ng Barangay Balatucan sa bayan ng Mobo, Masbate kamakalawa ng hapon. Naisugod pa sa ospital subalit idineklarang patay si Eliza Garganta. Lumilitaw na nakikipaglaro ang biktima sa ibang bata nang mapagawi sa malalim na poso-negro na sinasabing gamit sa piggery ni Armando Francisco. Natagpuan ang biktima matapos ituro ng kanyang mga kalaro.

Show comments