^

Probinsiya

Barko sumabog: 11 sugatan

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Labing-isa katao kabilang ang ship captain ang iniulat na nasugatan makaraang aksidenteng sumabog ang isang nakadaong na barko sa pribadong pier na pag-aari ng isang negosyante sa Pasacao, Camarines Sur kamakalawa ng gabi.

Isinugod naman sa Bicol Medical Center ang mga su­ga­tang sina Nathan Balmona, kapitan ng barko; Jerwin Roy Biseni, Rolly Legarda, Francis Rubio, Jobert Rivas, Jamiro Rivas, Dennis Rivas, Irasmor Rosero, Loreto Mangarin, Jenson Roy Rina, at ang dalawa na tinukoy sa palayaw na Ning at Jetman.

Batay sa ulat, sinabi ng tagapagsalita ng PNP na si Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., bandang alas-11 ng gabi nang maganap ang pagsa­bog sa pribadong pantalan na pag-aari ng pamilya Olivan na sinasabing kilalang negosyante na nasa likuran lamang ng depot ng Petron at Caltex.

Lumilitaw na paalis na sana ang barkong MV/STC Jeffrey, cargo/passenger vessel sa sa nasabing pantalan nang mapansin ng mga pasahero na nasusunog ang engine room.

Kasunod nito ay niyanig ng pagsabog ang barko na ikinasugat ng mga biktima na karamihan ay tripulante.

Nabatid na kahihimpil pa lamang ng barko sa pantalan mula sa paglalayag sa karagatang sakop ng Mabini, San Fernando, Romblon.

AGRIMERO CRUZ JR.

BICOL MEDICAL CENTER

CAMARINES SUR

CHIEF SUPT

DENNIS RIVAS

FRANCIS RUBIO

IRASMOR ROSERO

JAMIRO RIVAS

JENSON ROY RINA

JERWIN ROY BISENI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with