Magsasaka pinatay sa gulpi

BULACAN, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 53-anyos na magsasaka makaraang pagtulungan gulpihin hanggang sa mapatay ng apat na kalalakihan sa Barangay Iba O’Este sa bayan ng Calumpit, Bulacan kamakalawa ng gabi. Halos malamog ang buong katawan ni Domingo Maloles habang nasakote naman ang mga suspek na sina Jayson De Jesus, 31, magsasaka; Jeffrey De Jesus, 33, barangay tanod; Rolando Regalado, 39, welder at si Virgilio Halili, 22. Ayon kay PO2 Boni Dela Cruz, lumilitaw na nakipagtalo ang biktima kay Jayson kung saan sumaklolo ang tatlo pang suspek kaya naganap ang krimen.

Show comments