Mag-ama dedo sa ambush

Manila, Philippines - Pinaniniwalaang away-angkan ang isa sa motibo kaya pinatay ang mag-ama makaraang ratratin habang magkaangkas sa motorsiklo sa highway ng Barangay Bait sa bayan ng Sumisip, Basilan kamakalawa ng umaga. Kinilala ang mga napaslang na sina Budman Ippong at Boddaiyan Ippong na kapwa residente sa Barangay Gulong. Nabatid na magkaangkas sa motorsiklo ang mag-ama nang harangin at pagbabarilin ng mga suspek. Base sa pahayag ng mga testigo, apat sa mga suspek ay nakilalang sina Wisul Malanji, Dominta Golding, Rolmi Parammar, at si Kapitoy Paraman.

Show comments