14-anyos dedo sa road mishap

QUEZON, Philippines  — Isang 14-anyos na batang lalaki ang iniulat na nasawi habang limang iba pa ang nasa kritikal na kalagayan matapos na bumangga ang sinasakyang trak sa gilid ng highway sa Barangay Bagong Silang, Guinyangan, Quezon kamakalawa ng hapon.

Nagtamo ng grabeng kapinsalaan sa ulo at katawan si Emmanuel Gonzalbo, habang patuloy naman nakikipaglaban kay kamatayan sa Magsaysay District Hospital sa bayan ng Lopez sina Rollie Ta­lento, 34; Charlie Talento, 8; Quennie Talento, 5; Michael Ilagan, 5; at si Joshua Ba­nez, 12 na pawang nakatira sa bayan ng Sta. Elena, Camarines Norte.

Ayon kay PO2 Ryan Ben Salvador, lulan ng trak (TRJ 726) ang mga biktima na patungong Camarines Norte mula sa Calauag nang mawalan ng control sa manibela ang drayber kung saan sumalpok sa bakal na railing ng highway. 

Show comments