1 utas sa road mishap

Kidapawan City , Philippines — Patay ang isang 28-anyos na lalaki matapos na aksidenteng mahulog sa tulay ang motorsiklong sinasakyan nito sa lungsod na ito kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktima na si Ronilo Hatayan, trabahador sa Berco Machine Shop. Sa ulat, sinabi ni PO3 Ricardo Gigantana ng Kidapawan City Police traffic unit bandang alas-10 ng gabi ng maganap ang insidente. Ayon kay Gi­gantana, halos nasa 15 metro ang lalim ng tulay na ki­nahulugan ng biktima na nabagok ang ulo sa bato sa ilog na siyang kumitil sa buhay nito.

Show comments