^

Probinsiya

Maguindanao massacre suspect, timbog

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines- Umaabot na sa 90 ang mga nasakoteng suspek sa karumaldumal na Maguindanao massacre matapos na isa pang wan­ted ang mahulog sa batas sa operasyon sa kahabaan ng Pacharon Boulevard, General Santos City kahapon.

Kinilala ni Special Investigation Task Group Maguindanao Com­mander P/Chief Supt. Benito Es­tipona ang nasakoteng suspek na si Kamper Silongan, may reward na P250,000.00.

Bandang alas-2:45 ng hapon ng masakote ng mga operatiba ng pulisya ang suspek sa Queen Tuna Park , Pacharon Boulevard ng lungsod na ito.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Jocelyn Solis Reyes ng Branch 221 ng Quezon City Regional Trial Court kaugnay ng madu­gong massacre sa 57 katao, 32 dito ay mediamen noong Nobyembre 23, 2009 sa Ampatuan, Maguindanao.

Sa tala, sa kabuuang 195 akusado sa krimen, 90 na ang nasakote ng mga awtoridad at nasa 105 pa ang pinaghahanap ng batas.

Isinailalim na sa kustodya ng 12th Regional Criminal Investigation and Detection Unit (RCIDU) ang nasakoteng suspek.

BENITO ES

CHIEF SUPT

GENERAL SANTOS CITY

JUDGE JOCELYN SOLIS REYES

KAMPER SILONGAN

MAGUINDANAO

PACHARON BOULEVARD

QUEEN TUNA PARK

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT

REGIONAL CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with