63 pamilya inilikas dahil kay 'Bebeng'

IBA, Zambales, Philippines – Umabot sa 63 pamilya (213 katao) mula sa bayan ng Botolan, Zambales, ang inilikas makaraang lumubog sa tubig-baha ang limang barangay dahil sa bagyong Bebeng kamakalawa. Batay sa ulat ni  Graceala Macabare ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Development Council (PDRRMDC), nagsimulang ilikas ang mga residente matapos tumaas ang tubig sa mga Barangay Paco,  Tampo, Batonlapoc, San Miguel, at Barangay Bangan. Samantala, agad naman na pinulong ni Iba Mayor Atty. Ad Hebert Deloso ang mga hepe ng engineering office, DRRMC, DSWD at health office upang ihanda na ang posibilidad na paglikas sa mga apektadong residente sakaling magpatuloy ang ulan.

Show comments