17-anyos ni-rape slay ng adik
CAVITE , Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 17-anyos na babae makaraang halayin ay pinagpapalo pa sa ulo ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan na sinasabing adik sa bawal na droga sa Barangay Pasong Camachile 2 sa bayan ng General Trias, Cavite kamakalawa ng gabi. Bandang alas-8 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ni Sarah Enteria Canafrancia sa ginagawang bahay sa nabanggit na lugar. Ayon kay PO2 Jermes Casauran, huling namataang buhay ang biktima na dumalo sa binyagan noong Linggo ng umaga kung saan hindi na nakauwi sa Landmask Park subd. sa Barangay Biga sa bayan ng Tanza, Cavite.
- Latest
- Trending