Kriminalidad, anomalya umiiral sa Lucban
(Ikatlong bahagi)
QUEZON, Philippines – Tumindi pa ang isyu sa pagitan ni Mayor Villaseñor at Councilor Dator nang kuwestyunin ng huli ang pagtungo sa Singapore ng una kasama ang 22 barangay captain at ilang konsehal noong Setyembre 20-23, 2010 sa gitna ng ‘state of calamity’ alert ng Lucban, ayon na rin sa ipinasang Kapasiyahan ng Sangguniang Bayan noong Hulyo 15, 2010 dahil naapektuhan ng bagyong Basyang ang kanilang bayan.
Nilinaw ni Coun. Dator na hindi niya kinukuwestyon ang pinansyal na kapasidad ng mga barangay captain na nag-abroad, gaya ng pagkakaunawa ng mga kapitan sa kanyang pagkuwestyon.
Lamang, concerned si Coun. Dator dahil lumabag sa Administrative Order No. 6 of 2001 ang alkalde at ang mga kapitan sa probisyon, “foreign travel during emergency or crisis are prohibited.”
At ito’y lantarang pagpapakita ng impropriety sa tungkulin ng local chief executive, opinion ng ilang nakapanayam na taga-Lucban na “ang ginawa kaya nilang paglabas ng bansa ay isang forced evacuation? kasi iniwan nila ang bayan sa gitna ng kalamidad. Paano naman kaming naiwan dito sa Lucban?”
Dagdag pa dito ang nasaksihan ni Coun. Dator na iligal na paggamit ng sasakyang pampamahalaan na may red plate no. SFX 156, na sinasabing ginamit ng buong pamilya ng isang hepe ng tanggapan sa araw ng Linggo patungong shopping mall at sa isang kainan sa Lucena City na may paglabag sa Administrative Order No. 239 “Prohibited Use of Gov’t Vehicle other than Official Business” na sa halip na disiplinahin ay sinasabing kinunsinti pa ng Punumbayan. Itutuloy
- Latest
- Trending