^

Probinsiya

500 apektado sa pananalasa ng buhawi

- Nina Dino Balabo at Joy Cantos -

BULACAN  , Philippines — Umaabot sa 500-katao ang naapektuhan matapos na manalasa ang buhawi sa ilang barangay sa bayan ng Calumpit, Bulacan noong Sabado ng gabi.

Sa ulat ng National Di­saster Risk and Reduction Center, bandang alas-6 ng gabi nang manalasa ang buhawi sa mga Barangay Frances, San Miguel, Sapang Bayan, Poblacion, Meysulao, Corazon, Gatbuca at sa Barangay Ba­lungao.

Ayon sa pahayag ng mga residente, nakarinig sila ng malakas na ugong at ihip ng hangin kung saan sunud-sunod na nawasak ang may 41 kabahayan.

Tumagal ng may 30-mi­nuto ang pananalasa ng buhawi kung saan wala namang naiulat na na­sugatan at nasawi subalit iniimbestigahan kung may kinalaman ang pagkamatay ni Alberto Tolentino na inatake sa puso sa paghagupit ng buhawi.

Kasalukuyan ng kinu­kupkop sa Calumpit Sports Complex ang mga apektadong residente na binigyan na ng relief goods ng lokal na pamahalaan.

Magugunita na noong 2007 at 2008 ay magkakasunod na hinagupit ng buhawi ang Bulacan.

ALBERTO TOLENTINO

AYON

BARANGAY BA

BARANGAY FRANCES

BULACAN

CALUMPIT SPORTS COMPLEX

NATIONAL DI

RISK AND REDUCTION CENTER

SAN MIGUEL

SAPANG BAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with