BULACAN, Philippines — Isang 21-anyos na lalaking estudyanteng lulan ng motorsiklo ang iniulat na nasawi makaraang salpukin ng motorsiklo sa bisinidad ng Barangay Bagbaguin sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan kamakalawa ng gabi. Namatay habang ginagamot si Shalom Alcantara habang sugatan naman si Pepito Sajonia na kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Base sa ulat ng pulisya, nag-overtake ang motorsiklo ni Sajonia sa sinusundang Honda Civic (YAD 111) ni Vilma Delina nang makasalubong ang motorsiklo ni Alcantara. Hindi na nakontrol ni Sajonia ang kanyang motorsiklo kaya sumalpok sa motorsiklo ni Alcantara na tumilapon pa ng ilang metro.