Mag-utol na nene nilamon ng apoy

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines – Napaaga ang salubong ni kamatayan sa mag-utol na nene makaraang makulong sa nasusunog na bahay sa Purok 5, Barangay Macabugos sa bayan ng Libon, Albay kamakalawa ng umaga.

Nakilala ang magkapatid na sina Jecelyn Pertiz, 3; at Joana Pertiz, 2 habang sugatan naman ang kanilang ina na si Vangelyn Pertiz.

Sa ulat ng pulisya, naiwan ang mag-utol sa loob ng kanilang bahay habang ang kanilang mga magulang ay nasa labas.

Nabatid na pinaglaruan ni Jecelyn ang lighter kung saan kaagad na nagliyab ang kurtina bago kumalat ang apoy sa kabahayan.

Tinangka naman iligtas ng ina ang mag-utol su­balit malaki na ang ap­oy kung saan nalapnos ang ilang bahagi ng kanyang katawan.

Nabatid na naglalaba ang ina ng magkapatid may 50 metro lamang ang layo sa kanilang bahay habang ama ay nangingisda sa lawa nang sumiklab ang sunog.

Show comments