Jailbreak: 2 preso pumuga

LINGAYEN, Pangasinan, Philippines — Dalawang preso na sinasabing may mga kasong murder at pagnanakaw ang nakapuga sa provincial jail sa bayan ng Lingayen, Pangasinan kamakalawa ng madaling-araw. Naglunsad na ng malawakang dragnet operation para madakip sina Rannie Bonifacio ng bayan ng Binmaley at Marlon Moreno ng bayan ng Mangatarem sa Pangasinan. Base sa inisyal na pagsisiyasat, ang dalawa na nakapiit sa 1st isolation cell ay nilagare ang iron plate holder ng kandado saka umakyat sa basketball board patungo sa bubong ng Brigada 1 at selda ng mga babae bago lumundag sa bakod patungo sa kalapit na paaralan. Nalalagay naman sa balag ng alanganing masibak sa tungkulin ang mga guwardiya.

Show comments