Magka-live-in tiklo sa shabu

BULACAN, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng magka-live-in makaraang maaresto ng mga barangay tanod at pulis na nag-iingat ng walong plastic sanchet ng shabu sa bayan ng Bocaue, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Supt. Elvis Diaz ang mga suspek na sina Christian De Los Santos, 29, ng Ma.Socorro Subd., Brgy. Abangan Norte, Marilao, Bulacan at Michelle Nuñez, 35, ng Brgy. Lolomboy sa bayan ng Marilao. Lumilitaw na nakatakdang ipakalat ng dalawa ang shabu nang sitahin ng mga awtoridad. Hindi na nakapalag ang dalawa nang makumpiskahan ng bawal na droga.

Show comments