MANILA, Philippines - Isa na namang alagad ng batas ang iniulat na nasawi makaraang sumalpok sa poste ng kuryente ang behikulong minamaneho nito sa bayan ng Minglanilla, Cebu kahapon ng madaling-araw. Idineklarang patay sa Minglanilla District Hospital si PO2 Ivan Juarez na nakatalaga sa Naga City Police Station. Lumilitaw na pauwi na si PO2 Juarez mula sa Naga City nang mawalan ng control sa manibela ang Mitsubishi Lancer kung saan nagtuluy-tuloy na sumalpok sa poste sa gilid ng highway sa Sitio Pungtod, Brgy. Sangi.