Pulis nag-serve ng warrant, dinedo

KIDAPAWAN CITY, Philippines  – Napaslang ang isang pulis na nagsilbi ng warrant of arrest sa dalawang suspek sa kasong droga makaraang pagbabarilin sa bayan ng Palembang, Sultan Kudarat noong Martes ng umaga. Napuruhan sa ulo si SPO4 Jimmy Evangelista Torenia, nakatalaga sa Palembang PNP station bilang intelligence officer. Base sa police report, kasama si SPO4 Torenia sa pangkat ng pulisya na nag-serve ng warrant of arrest laban sa mga suspek na sina Dante Francisco at Godo Zunio na may mga kasong drug trafficking. Subalit bago pa nakatuntong si SPO Torenia sa bahay ng mga suspek ay umalingaw­ngaw ang sunud-sunod na putok ng baril kung san duguang bumulagta ang biktima. Tumanggi namang magbigay ng iba pang detalye si P/Supt. Teng Tocao habang nakatakas naman ang mga suspek.

Show comments