2 sugatan sa pamamaril sa graduation ceremony

MANILA, Philippines - Nabulabog ang masayang graduation ceremony matapos mamaril ang isang di-kilalang lalaki kung saan nasugatan ang baranqay chairwoman at isang estudyante sa Calbayog City, Samar kamakalawa.

Naisugod naman sa Pozioncol Hospital sina  Chairwoman Myra Doren, 42, ng Brgy. Mabuhay sa bayan ng Almagro, Samar at Ana Marie Aniana, 20, estudyante sa Northwest Samar State University.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, katatapos lamang ng programa sa 32nd commencement exercises  nang mamaril ang hindi pa kilalang lalaki.

Lumiliatw na niratrat sa may gate ng unibersidad si Doren na nagtamo ng tatlong tama ng bala sa katawan kung saan nadamay si Aniana na tinamaan  naman sa kaliwang hita.

Pinaniniwalaang may kinalaman sa pulitikang pambarangay ang motibo ng pamamaril habang patuloy ang imbestigasyon.

Show comments