Kotse vs tindahan: 3 utas

ZAMBALES , Philippines  – Tatlo-katao ang kumpirmadong nasawi habang tatlong iba pa ang malubhang nasu­gatan makaraang salpukin ng kotse ang tindahan ng halo-halo sa Barangay San Lorenzo sa bayan ng Masinloc, Zambales noong Linggo ng hapon. Kabilang sa mga namatay ay sina Agustin Acierto, 87; Raymundo Tawatao, 65; at si Kent Jhon Aragon, 9.

Samantala, nagpapaga­ling naman sa Pres. Ramon Magsaysay Memorial Hospital ang mga sugatang sina Algine Sangalang, 22; Mark E. Moreno, 25. Nahaharap naman sa kasong kriminal ang drayber ng CRV Honda (CTJ-165) na si Jose Felono Edora, 19, anak ni Masinloc Mayor Desiree Edora, ng Brgy. North Poblacion.

Ayon sa pulisya, sinasabing naidlip dahil sa pagod at nawalan ng kontrol si Edora kaya inararo ang tindahan. Handa naman panagutan ng pamilya Edora ang lahat ng gastusin sa pagpapalibing ng mga namatay at nasugatan.

Show comments