Road mishap: 2 dedo, 12 pa grabe

Koronadal City, South Cotabato ,Philippines  — Patay ang dalawa katao habang 12 pa ang nasugatan makaraang aksidenteng magbanggaan ang isang pampasaherong jeepney at kasalubong nitong dump truck sa Mlang, North Cotabato nitong Huwebes.

Kinilala ang mga nasa­wing biktima na sina Wilmar Mondejar, 18 anyos at Ed-Lucero-Pacete, 26; pawang residente ng Brgy. Dalipe, Mlang ng lalawigang ito.

Isinugod naman sa Mlang District Hospital ang mga nasugatang biktima.

Sa report ni Inspector Caesar Caballero, Deputy Chief of Police ng bayang ito naganap ang sakuna sa kahabaan ng highway ng Brgy. Tibao , Mlang bandang alas-11:30 ng umaga.

Kasalukuyang minamaneho ni Rogelio Cruda ng General Santos City ang dump truck ng aksidenteng suyurin nito ang kasalubong na pampasaherong jeepney na nagkataong nagbaba ng pasahero sa lugar.

Nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to double homicide at multiple injuries si Cruda na isinailalim na sa kustodya ng pulisya.

Show comments