^

Probinsiya

Kano tinodas ng 16-anyos na GF, 3 pa

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Dahilan sa ipinagpalit sa ibang babae at  tumigil na sa pagbibigay ng pera, pinatay ng isang 16-anyos na dalagita at tatlo pang gang member  ang 76-anyos na Kano na sugar daddy ng una bunga ng matinding selos sa Cebu City kamakalawa ng gabi.

Batay sa ulat ng Cebu City Police, naganap ang pagpatay sa biktimang si Leamon Wesley Casteen Jr., tubong South Carolina na tinadtad ng tama ng bala sa tinutuluyan nitong apartment na matatagpuan sa Sanchez Building, Sanciangko St. ng lungsod dakong alas-9 ng gabi.

Sumuko naman sa mga awtoridad matapos makonsensya ang isa sa mga suspek na si Jordan Galiste, 18-anyos at ikinanta ang inabandonang 16 anyos na girlfriend ng Kano na itinago sa pangalang Suzette bunga ng pagiging menor-de-edad nito na siyang mastermind sa krimen. Ikinanta rin ni Galiste sa mga awtoridad ang mga kasabwat  sa krimen na sina Cyril  Aldez Flores, 27 at isa pang miyembro ng Tanduay Survivor clan, isang gang sa lungsod.

Sa testimonya ng   security guard sa apartment na si Nelson Barquio, pinatuloy niya sa gate sina Suzette at mga kasamahan nito kung saan hindi niya ininspeksyon ang bag na dala ng mga suspek na siyang pinaglagyan cal. 45 pistol na ginamit sa krimen. Ilang saglit pa ay nakarinig siya ng sunud-sunod na putok ng baril at ng tunguhin niya ang apartment ng biktima ay nakita niya ang apat na suspek habang tumatalilis sa crime scene.

Natuklasan umano ni Suzette na may iba ng kinalolokohang 17 anyos na tinedyer si Casteen kaya nagalit ito dahilan hindi na siya binibigyan ng pera ng naturang Kano na siyang motibo ng krimen.

vuukle comment

ALDEZ FLORES

CEBU CITY

CEBU CITY POLICE

JORDAN GALISTE

KANO

LEAMON WESLEY CASTEEN JR.

NELSON BARQUIO

SANCHEZ BUILDING

SANCIANGKO ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with