Ama ng RTC judge nilikida

BULACAN, Philippines – Napas­lang ang isang 67-anyos na ama ng RTC judge makaraang pagbabarilin ng mga armadong lalaki sa bisinidad ng Barangay Taliptip sa bayan ng Bulakan, Bulacan kahapon ang umaga.

Limang bala ng cal. 45 pistola ang tumapos sa buhay  si Romeo Mendoza, 67, ama nina Judge Ma. Theresa Mendoza-Arcega ng Malolos City Regional Trial Court Branch 17 at ex-Bulakan Councilor Leocadio Mendoza na pawang nakatira sa bayang nabanggit.

Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Dale Soliba, pauwi na ang biktima mula sa pamimili ng tinapay sa panaderya para sa almusal nang lapitan at pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen.

Naisugod pa sa General Gregorio del Pilar District Hospital subalit idinekla­rang patay si Mendoza.

Nabatid na si Mendoza ang may-ari ng Donya Trinidad Mendoza Institute na dating Bulacan Academy  sa Barangay Poblacion sa nasabing bayan.

Show comments