Ex-lineman ng Meralco kinatay

BULACAN ,Philippines  – Isang 54-anyos na ex-lineman ng Meralco na sinasabing may apat na araw ng nawawala ang natagpuang patay sa bahagi ng Sitio Riles, Barangay Tuktukan sa bayan ng Guiguinto, Bulacan noong Miyerkules ng gabi. Nagmistulang tinadtad na karne ang matipunong katawan matapos magtamo ng 104 saksak sa katawan si George Dela Cruz ng Brgy.Batia sa bayan ng Bocaue, Bulacan. Ayon kay PO3 Mark Manaig, may palatandaan pinagnakawan ang biktima bago paslangin dahil nawawala ang pitaka na may malaking halaga at cell phone. Lumilitaw na huling namataang buhay ang biktima na may kasamang apat na kalalakihan bago ito maglaho. Nang hindi makauwi ang biktima sa inaasahang araw ay naipagbigay-alam sa himpilan ng pulisya ang pagkawala nito.

Show comments