Lider ng karnaper arestado

BATAAN, Philippines — Hindi na nakapalag ang sinasabing lider ng karnaper na notoryus ding drug pusher matapos maaresto sa inilatag na buy-bust operation ng mga awtoridad sa Hilltop Barangay Lamao sa bayan ng Limay, Bataan kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ni P/Chief Inspector Ricardo Santiago Jr., hepe ng Limay PNP, ang suspek na si Jerry “Jing” Taneda, 30, leader ng grupong Taneda Group at nakatira sa New Cabalan, Olongapo City. Nasamsam sa suspek ang isang pirasong plastic sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana at marked money na ginamit sa operasyon. Sa tala ng pulisya, si Taneda ay may mga nakabinbing kasong carnapping sa mga bayan ng Dinalupihan, at Hermosa sa Bataan.

 

Show comments