Fishpond owner utas sa katiwala

MANILA, Philippines - Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang fishpond owner ng kanyang katiwala na sinasabing may dipe­rensya sa pag-iisip sa naganap na insidente ng pamamaslang sa bayan ng Minalin, Pampanga kamakalawa. Nagtamo ng mga saksak sa dibdib at pinutulan pa ng teynga si Roel Magat habang naaresto naman ang suspek na si Lolita Llanera, 44. Sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame, naganap ang krimen sa palaisdaan ng biktima sa Barangay Sto. Rosario bandang alas-9 ng umaga. Sinabi ng pamilya ng suspek na may diperensya sa pag-iisip si Lolita subalit ipinaliwanag naman ng pulisya na kailangang patunayan sa pama­magitan ng pagpapa-check-up sa doktor.

Show comments