CAVITE, Philippines — Binaril at napatay ang isang 39-anyos na barangay konsehal sa panibagong karahasang naganap sa Barangay Luzviminda Uno sa Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng hapon. Napuruhan sa ulo si Francis Sarraga ng nabanggit na barangay habang nakatakas naman ang gunman. Ayon kay PO2 Ronald Lorenzo, lumilitaw na naniningil ng pautang ang biktima na nasa harap ng tahanan na pag-aari ni Dolores Filio nang lapitan at barilin ng 'di-pa kilalang lalaki. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.