Pulis itinumba

MANILA, Philippines - Napaslang ang isang alagad ng batas matapos pagbabarilin ng dalawang lalaki sa bisinidad ng Manook Street sa bayan ng Gubat, Sorsogon kahapon ng madaling-araw. Napuruhan sa likurang bahagi ng ulo si SPO1 Ferdinand Geres habang naaresto naman ang isa sa mga suspek na si Robinson Huete ng Barangay Bulacao sa nabanggit na bayan. Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Ayn Natuel, papasakay ng traysikel si SPO1 Geres nang lapitan at ratratin ng grupo ni Huete.

Show comments