3 mag-aaral nilamon ng dagat

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City ,Philippines  – Tatlong estud­yante na magkakasamang naliligo ang iniulat na nilamon ng malaking alon sa karagatang sakop ng Barangay Labnig sa bayan ng Paracale, Camarines Norte kamakalawa. Naunang natagpuan ang katawan ni Analiza Beralde,  22, habang ang mga katawan nina Arnelyn de Guzman  at Aiza Balutan ay patuloy na hinahanap. Batay sa ulat ng pulisya, ang tatlong mag-aaral mula sa Tabas National High School ay nagkayayaang maligo sa dalampasigan. Subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay tinangay ng malakas na alon ang tatlo matapos mapagawi sa malalim na bahagi ng dagat.

Show comments