Negosyante itinumba

NUEVA ECIJA ,Philippines  – Patay ang isang 57-anyos na dating municipal councilor na naging negosyante makaraang pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa Barangay Palomaria, Bongabon, Nueva Ecija noong Linggo ng gabi. Sa ulat ng Bongabon PNP, nakilala ang napaslang na si Alvino Francisco ng Purok Balik-Balik, Barangay Vega. Naisugod pa sa Bongabon District Hospital subalit idineklarang patay ang biktima matapos mapuruhan ng bala ng baril sa likurang bahagi ng katawan. Napag-alamang lulan ng motorsiklo ang biktima nang dikitan at ratratin ng dalawang lalaki na lulan din ng motorsiklo. Sinisilip ng pulisya ang anggulong may kinalaman sa negosyo o sa pulitika ang pamamaslang.

Show comments