Bus niratrat, 2 sugatan

MANILA, Philippines - Dalawa katao ang sugatan matapos ratratin ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan na hinihinalang mga rebeldeng Muslim ang sinasakyan ng mga itong  bus at isa pang cargo ctruck sa Zamboanga City kamakalawa.

Kinilala ni Zamboanga City Police Director Sr. Supt. Edwin de Ocampo ang mga sugatan na sina Mildred Bungawi na pasahero ng bus at ang driver ng truck na si Roger Fuentes.

Ayon kay de Ocampo, sakay ng Rural Transit Bus na may body number 9292 ang nasa 40 pasahero kabilang na si Bungawi ng rat­ratin ng mga suspect pagsapit sa highway ng  Sitio Marangan, Brgy. Tagasilay ng lungsod dakong ala-1 ng madaling araw.

Show comments