Dalagita binawalang mag-bf nag-suicide

MANILA, Philippines - Matapos bawalan ng kaniyang mga magulang na makipag-boyfriend, isang 16- anyos na dalagita ang nag-suicide sa Brgy. Manapa, Buenavista, Agusan del Norte kamakalawa.

Nakilala ang nasawi na si Carlota Garcia, graduating student sa Buenavista National High School na natagpuang nakabigti sa loob ng kaniyang silid na nakatali ng lubid sa leeg.

Batay sa ulat na nakara­ting kahapon sa Camp Crame, bandang alas-5 ng hapon ng madiskubre ang pagpapatiwakal ng biktima.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, labis umanong naghinanakit ang dalagita sa kaniyang mga magulang matapos siyang hindi payagan ng mga itong makipag-boyfriend.

Isang suicide note naman ang natagpuan sa tabi ng bangkay ng biktima na humihingi ng tawad sa kaniyang mga magulang. Ang kasong ito ay patuloy na iniimbestigahan.

Show comments