LOPEZ, QUEZON, Philippines — Kulungan ang binagsakan ng isang magkapatid na kapwa wanted sa kasong panggagahasa at pagpatay matapos na maaresto sa kanilang hide-out sa Brgy. del Rosario ng bayang ito, kamakalawa.
Kinilala ng pulisya ang mga dinakip na sina Dennis Convocar, 27 at Ricky Convocar, 28, Number 7 at Number 12 sa talaan ng most wanted person sa Catanauan,Quezon.
Humingi ng tulong sa Lopez Police ang Catanauan Police upang arestuhin ang magkapatid sa bisa ng ipinalabas na Warrant of Arrest ni Hon. Judge Aurora Roman at Hon. Judge Adolfo Encomienda; pawang Regional Trial Court ng Gumaca kaugnay sa mga kasong rape at homicide.
Walang inirekomendang piyansa ang korte sa paglaya ng magkapatid na ngayon ay nakapiit na sa himpilan ng pulisya ng Catanauan,Quezon.