Rebel returnee nilikida

MANILA, Philippines -  Tinorture muna bago brutal na pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 24-anyos na rebel returnee ng mga dati nitong kasamahang rebelde sa Barangay Sinuron, sa bayan ng Sta. Cruz, Davao del Sur, kamakalawa. Kinilala ni Lt. Col. Joshua Santiago, tagapagsalita ng Army’s 10th Infantry Division ang biktima na si Roldan Quitia. Lumilitaw na dinukot ng grupo ni Roberto Castillote alyas Ka Enoy/Marvin ang biktima bago iginapos sa punungkahoy. Nabatid na pinahirapan muna saka niratrat ang biktima. Si Quitia ay sumuko sa militar Oktubre 25, 2008 matapos dumanas ng matinding hirap sa pagsapi sa komunistang grupo.

Show comments